“Sugal, isang kultura na hindi na mawawala kailanman man sa buhay ng isang tao sapagkat ang buhay ay isang sugal”.
Simula pa noong panahon ng Kastila, usong uso na ang pagsusugal dito sa Pilipinas. Nakasulat pa nga ito sa isang lathalain ni Jose P. Rizal na Noli Me Tangere at ito may sariling yugto na tinatawag na “Ang Sabungan”...
Noong panahon palang ni Rizal may problema tulad nito...
Noong wala pang masyadong kurakot na tao…
Ang problema nila noon ay kung paano ito nakakasagabal sa pagunlad ng isang pamilya.
Inuubos ni tatay ang pera ng pamilya sa sugal, magagalit si nanay, mag-aaway si tatay at si nanay, iiyak si anak, sira ang pamilya.
Tipikal na problema noon na hanggang ngayon ay umiiral parin sa ibang pamilya.
Hanggang ngayon, marami paring nalulunod sa sarap na idinudulot nito.
Hanggang ngayon may problema…
Pati mismo mga mahihirap nakikipagsapalaran sa sugal.
Nagbabakasakaling mapalad na mapili sa Wowowee o manalo sa loto o manalo sa sabong.
Nagtatabi ng kaunting pera para ipang-sugal, baka lumago ang pera para makakain.
Nagbabakasakaling umahon sa kahirapan kahit na napakaliit ng tsansang magkaganoon.
Nagbabakasakaling guminhawa…
Kahit siguro yung mga nasa gitnang antas, yung mga may kaya, ay mahilig makipagsapalaran. Sino ba namang ayaw manalo? Sino ba ang ayaw yumaman? Ang ayaw magkaroon ng buhay?
Nagtatabi ng pera para ipang-sugal, baka lumago ang pera para yumaman.
Ang masakit pinakamasakit dito, hindi lang mahirap ang higit na nakikinabang dito, lalo na ang mga mayayaman na nagmamay-ari mismo ng pasugalan. At ang nakakatakot pa dito ay karamihan sa mga nagpapatakbo nito ay mga opisyal ng gobyerno.
Mga taong dapat naglilingkod sa bayan, hindi pinaglilingkuran ng bayan…
Nakakaawa naman ang mga mahihirap na manlalaro nitong mga pasugalan ng mga opisyal ng gobyerno, kadalasan ay naiipit, minamanipula nitong mga kurakot na taong ito.
Kadalasan pa ay hindi masugpo ang mga ito dahil sa kanilang posisyon sa pamahalaan, at dahil narin sa kanilang pera.
Nagtatabi ng maraming pera para ipang-sugal, baka lumago ang pera para mas yumaman.
Hindi lahat ng tao nakikinabang dito, yung ibang nakikinabang ay nakikinabang sa kahirapan ng tao. Napipilitang makipaglaro sa mga kurakot na tao, kurakot na opisyal.
Paano naman ang paglilingkod sa bayan? Siya na bang ang inyong naging libangan at ang mga pasugalan siya na bang naging trabaho? Paano naman ang mga mahihirap na dapat ay nakikipagsapalaran sa buhay, hindi sa sugal? Paano na ang Pilipinas na siyang tahanan ng mga Pilipino?
Dapat bang mang manipula ng mga taong wala naman talagang kasalanan?
Dapat bang isugal mo ang buhay ng isang (mga) tao?
PolSci 1 - B